hindi ako makatulog. nagloloko ang katawan ko, mayat maya sobrang kati ng balat ko. nanginginig ang mga kamay ko. alam kong may health problem ako, pero isa lang yon sa mga magagaan na iniisip ko.
lagi kaming nagaaway. hindi ko alam kung anung nakakapag set off sa akin pero kanina, nakatulog na kami ng konti nang bigla nalang syang umiiyak, masakit daw ng sobra ung dinantayan kong hita nya. umiyak sya na parang nabalian sya ng buto. sinubukan kong masahiin pero lalo lang daw sumasakit. nainis ako at umalis sa kamang halos sa akin lang ay hindi na kasya. napasigarilyo ako na parang sobrang pikon na pikon na nanginginig pa ung mga kamay ko. tuloy tuloy pa rin ang pagiyak nya. pinapanood ko lang sya kasi alam ko naman na wala akong magagawa para tulungan sya. mga ilang minuto pa, pinilit nyang tumayo. uuwi na daw sya kasi inaaway ko nanaman daw sya. lagi nalang daw akong galit.
bakit nga ba ako galit? alam ko sa sarili ko na hindi lang ako galit kundi nanggagalaiti sa kunsumisyon. alam kong ang kapal ng mukha ko para magalit nalang basta basta. tutal, wala naman akong trabaho. kumikita ako ng mga 2500 sa isang linggo, pero hindi parin sapat un. ang nagbibigays aakin ng pagkain gabi gabi ay ung kapatid kong babae, o kadalasan, SIYA. hindi ako nagbbiyahe, nakaupo lang ako buong gabi, gumagawa ng mga Flash Dolls para sa cartoondollemporium.com.
Pero bigla nalang tumataas ung dugo ko talaga. kanina, sobrang pagod ko. Dahil siguro sa labis na paninigarilyo. Hindi ako umiinom ng tubig kasi ung tubig dito sa bahay galing gripo, nagtatae ako pagnakakainom ng madami. so lagi akong RC or mountain dew; Dahil din siguro sa maya't maya, iniisip ko ang para sa kinabukasan namin, kung paano ko sya maiaahon sa hirap at magiging isang maaasahang tao para sa knya. Dahil siguro minu-minuto, iniisip ko na baka may dumating na taga meralco at batakin ung kuntador naming 3 months nang hindi nababayadan pero nakakabit. Dahil din siguro iniisip ko na ganun din ung tubig namin. Dahil din siguro sa sobrang pagnanais ko na makagawa ng dalawang doll sa isang linggo para kahit papaano kumita ako ng 5600. para mabayadan ko ung nanay nya ng 2000 at matulungan ko sya magbayad ng sun cellular bill nya na 1800 at sunlife insurance nya na 3500. Ung utang ko din sa kanya na 15000 dahil ibinili nya ako ng sapatos at damit noong April, dahil natanggap akong trainer sa isang bagong kumpanya na tinanggal naman ako nang walang dahilan pagkatapos kong solong buuin ung kurikulum nilang mga putangina nila. Isang buwan lang ang ipinasok ko doon, hindi pa nila ibinigay ung pangalawang sahod ko. Hanggang ngaun, gusto ko paring ilaban un, pumunta sa isang public attorney at humingi ng tulong pero sa kalagayan ko ngaun, isa na siguro un sa least ng priorities ko. pag iniisip ko naman na mamasukan ulit sa call center, naiisip ko ung malaking bungal sa resume ko ng 2 taon na hindi ako nakapagtrabaho. ung irata ko sa NBI dahil sa DOST scholarship kong hindi ko natapos. ung pagiging high school graduate ko.
iniisip ko din na kakabirthday lang nung bunso kong babae, si sarah. napakatalino at napakabait na bata. volleyball lang ang hinihingi, hindi ko pa maibigay. ung cards na pinabibili sa akin ni Parnando, 500php. Ang sunod sunod na paghahabol ng mga bayarin na tila walang katapusan.
Sabado na ngayon at dapat ay may 5600 na ako para pambayad ng mga utang pero wala. Ang totoo nyan, dahil ipinaayos sa akin ng kapatid ko ung laptop nya this week, wala akong natapos na doll. kahit isa. sabi ko sa kanya, natapos ko na ung isa at ginagawa ko na ung pangalawa pero nagsisinungaling ako para hindi sya magalala.
umalis na sya. sabi nya matulog na ako. sinubukan kong matulog ngunit pagkatapos ng ilang minuto ay may kumatok nang malakas sa pintuan. Meralco daw. nagsinungaling nalang ako at sinabi ko na binayadan na un kahapon lahat. Alam ko namang walang way para makita nya un e. Sabado kasi. Tsaka, may namumutol ba ng sabado? Feeling ko hindi taga meralco un e. Kasi may nagpunta na dito 2 days ago, binigyan ko lang ng 100p para hindi batakin ang kuntador. Iba iba nagpupunta dito, maya't maya. Haaayyy.
Anyway, ke totoong taga meralco un o hindi, pagalis nya, pumantig ang pulso ko nang malakas. wala kasi akong kahit sampung piso na maipangsusuhol sa kanya. Hindi ko rin kayang maputulan ng kuryente kasi dito ako sa bahay nagsa-sideline. pag akyat ko dito sa kwartom sinubukan ko ulit makatulog pero hindi ko na magawa. Ang dami kong iniisip. Ang dming problema. Iniwawaksi ko nlang pero tumatama parin nang mabigat kasi kahit na sobrang galing kong magwaksi ng problema, alam kong nanjan pa rin yan at kailangang gawaan ng solusyon para maayos. Ngaun hindi na ako makatulog. As usual, walang makausap. Hindi ako marunong manghingi ng tulong sa KANYA bukod sa mga pa-50 50p na hinihingi ko araw araw na pang one-day-one-eat ko.
Kaya siguro ako pagod na pagod. Galit na galit sa isang pirasong maliit na bagay lang. Nagipon ipon na lahat ng mabibgiay na bagay at parang kung may isa pang dadagdag, madudurog na buto ko sa bigat.
So kahit na makati balat ko, mapait laway ko, nanginginig kamay ko, masakit ulo ko, ok lang yun. pero sana maintindihan mo ako at wag mong susuklian ng galit ung galit ko. Ako dati ang nagwa-walk out, hindi ko na ginagawa yun mula nang sinabi mo na ayaw mong maghiwalay tayo nang hindi nagbabati. pero mukhang favorite gesture mo na ngaun ang pag walk-out.
Buti nalang, may notepad. Salamat notepad. Hehe.
No comments:
Post a Comment